Read in EnglishKu Akhri af Soomaali | Leer en español

Sa klase ni Anthony D’Amico sa araling panlipunan nitong linggo, may mga itinanong sa kanya ang mga mag-aaral na talagang pinag-isipan niya.

Ano nang kaganapan tungkol sa coronavirus?

Seryoso ba ito?

Magsasara ba ang mga paaralan?

Inamin ni D’Amico, isang intern na guro sa Ingraham High School sa Seattle, na hindi niya alam ang lahat ng sagot. Sana ay alam niya ang lahat ng sagot, aniya.

“Talagang mausisa at matanong ang mga mag-aaral tungkol sa nangyayari,” aniya. “Ang sabi ko lang, ‘Maging magpamasid tayo, at tingnan natin ang mangyayari. Hindi pa kailangang mag-alala nang husto, tiyaking naghuhugas kayo ng kamay at inirerespeto ninyo ang mga tao.’ “

Nagtatanong na ang mga bata sa Washington sa kanilang mga guro, magulang, at tagapag-alaga ng mahihirap na tanong tungkol sa COVID-19, ang karamdamang dulot ng bagong coronavirus na tinawag na SARS-CoV-2, dahil sa una nitong outbreak sa U.S. sa estado ng Washington. Umaasa sila sa mga nasa hustong gulang para sa impormasyon — at para mawala ang kanilang stress o mga takot.

Inaalam din nila ang paliwanag ng kanilang mga kaklase at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan, ayon kay D’Amico. Sa tuwing naririnig niyang nagpapalitan ng mga conspiracy theory ang mga mag-aaral, tulad ng maling ideyang ginawa sa laboratoryo ang virus, mabilis niyang pinapabulaanan ang mga ito. Mabilis din siyang umaaksyon kapag may hindi magandang nasasabi ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang kasama: Ayon sa kanya, ilang beses na niyang narinig na tinawag ng mga mag-aaral ang kanilang mga Chinese na kaklase na “corona.”

Advertising

“Mabilis kong tinutugunan ang ganoon sa aking klase,” aniya. “Hindi iyon OK.”

Naghahanap ka ba ng mga tip sa kung paano magkaroon ng tapatang usapan tungkol sa coronavirus kasama ang mga bata at teenager? Narito ang iminumungkahi ng mga pederal na ahensya , World Health Organization, at mga lokal na eksperto. trim para sa print. Puwede ring makatulong sa iyo ang NPR comic na ito.

Maging mabuting tagapakinig

Kumpara sa mga nasa hustong gulang, iba ang nagiging reaksyon ng mga bata sa stress: Puwede nilang ipahayag ang sarili nila sa pamamagitan ng pakikipag-usap, pero puwede rin silang gumuhit, maglaro, o magpakita ng mga emosyon sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang pag-uugali o gawi. Hayaan ang bata na manguna sa pag-uusap.

Ayon kay Lynn Fainsilber Katz, isang propesor sa pananaliksik tungkol sa child clinical psychology sa University of Washington, may mga bata na magtatanong nang maraming beses para mapahupa ang kanilang pag-aalala. Ang iba naman ay puwedeng manahimik. Sa anumang kaso, nakadepende sa mga nasa hustong gulang ang pagiging mabuting tagapakinig at pagbibigay ng karagdagang pansin sa mga bata.

Puwedeng tanungin ng mga nasa hustong gulang ang mga bata tungkol sa naririnig nila sa TV o sa paaralan. Puwede rin nilang sabihing OK lang na mag-alala o malungkot, ayon sa mungkahi ng Substance Abuse and Mental Health Services Administration.

Pero hindi dapat hayaan ng mga nasa hustong gulang na ito lang ang mapag-usapan sa oras ng klase o sa hapag-kainan. At kung gusto ng mga bata na manood at magbasa ng balita tungkol sa outbreak, subaybayan ang kanilang napupulot dito.

Advertising

Huwag magdagdag ng pressure

May mga bata na ayaw makipag-usap kaagad, o ayaw makipag-usap tungkol dito kahit kailan. Respetuhin ang kanilang mga limitasyon. Ayon kay Katz, isang paraan para magsimula ng pag-uusap ay ang pagbabasa ng kwentong pambata tungkol sa pagkakasakit.

Kung hindi nakabahing ang mga bata sa gilid ng kanilang braso o hindi sila nakapaghugas ng kamay, huwag mag-panic, ayon kay Heather Havey, direktor ng Children Center ng Washington State University sa Pullman. “Hindi natin sila kinulit tungkol dito ilang buwan na ang nakakaraan,” aniya. Paalalahanan sila sa mahinahong paraan, at magpatuloy.

Katotohanan lang ang sabihin

Magaling ang mga bata sa pagbasa ng mga emosyon ng mga nasa hustong gulang, kaya tiyaking pakalmahin ang sarili bago talakayin ang novel coronavirus, sabi ni Katz.

“Kung ang mga magulang nila o ang mga taong kilala nila tulad ng isang guro, ay takot o nagpa-panic, matatakot at magpa-panic din sila,” aniya.

Puwedeng ipaliwanag ng mga nasa hustong gulang ang nangyayari sa simpleng mga salita na naaangkop sa edad ng bata na kinakausap nila, aniya. Para sa mga batang-bata, puwede itong sabihin na “maraming tao ang nagkakasakit” o “may sakit na kumakakalat.”

Para sa mga hindi masyadong bata at teenager, na mahilig tumuklas ng impormasyon sa sarili nila, ang alam mo lang na totoo ang sabihin. Kung naghihirapan kang paghiwalayin ang katotohanan at sabi-sabi, tumingin sa mga source tulad ng Centers for Disease Control and Prevention, o sa World Health Organization. Makakakita ka rin ng mga resource sa Seattletimes.com.

Advertising

Para sa mga tanong na hindi mo alam ang sagot, huwag marunong. Puwedeng humantong sa pagkabalisa ang pagkakaroon ng maling impormasyon, ayon kay Katz.

Para sa lahat ng pangkat ng edad, maglahad ng impormasyon sa “kalmado, naglalarawan, at katotohanan lang na paraan,” dagdag pa niya.

Ipabatid sa mga bata na ligtas sila

Puwedeng ipaalala ng mga magulang sa kanilang mga anak na ginagawa nila ang lahat ng posible para panatilihing malusog ang kanilang pamilya; gayundin, puwedeng ilarawan ng mga guro ang lahat ng paraang magagawa ng mga bata para protektahan ang kanilang sarili. Halimbawa, puwedeng paalalahanan ng mga nasa hustong gulang ang mga bata na maghugas ng kamay nang madalas at takpan ang kanilang bibig gamit ang gilid ng kanilang braso sa tuwing babahing sila.

“Sa halip na maramdaman nilang walang magagawa laban sa karamdamang ito, nagbibigay ito sa kanila ng pakiramdam na may tungkulin sila,” ayon kay Katz.

Inirerekomenda ng World Health Organization na magbigay ang mga nasa hustong gulang ng impormasyon tungkol sa panganib na ito sa positibong paraan. Halimbawa, puwedeng sabihin ng mga nasa hustong gulang na hindi nila partikular na makukuha ang virus, maliban na lang kung mahina ang kanilang immune system. Dapat ay maging tapat din ang mga nasa hustong gulang tungkol sa posibilidad na kung nararamdaman nilang may sakit sila, o ang ibang taong kakilala nila, posibleng kailanganin nilang magpatingin sa doktor o pumunta sa ospital.

Panatilihin ang mga regular na routine

Hangga’t kayang gawin, patuloy na gawin ang mga regular na iskedyul sa paaralan at bahay, ayon sa mungkahi ng World Health Organization. Kung magsasara ang paaralan, puwedeng gumawa ang mga magulang ng bagong routine sa bahay. Bigyan ang mga bata ng oras na maglaro, mag-relax, at maalis sa kanilang isip ang bumabagabag sa kanila.

Dapat maging mabuting ehemplo ang mga nasa hustong gulang, ayon kay Havey. “Ipagpatuloy ang routine at huwag itong baguhin, sundin ang mga pinakamainam na gawain,” aniya. “Sa palagay ko, makakatulong ito sa mga batang mas maunawaan na kailangan nating maging praktikal at pangalagaan ang ating katawan.”

Translation provided by JR Language Translation Service, Inc.